Anu baaah?!

#1: Minsan nawi-weirdo-han ako sa mga pasahero sa jeep na pipiliing (o pipiliting) umupo sa estribo tapos ipapaabot ang bayad sa mga nakaupo sa gitna. Sa siyudad sa kung saan ako nakatira pansamantala, laganap ang kaugaliang ito.

Naalala ko tuloy ang ate ko. Nung minsan kasing gumala kami sa Greenhills, sumakay kami ng jeep pauwi. Nagkataong may nakaupo na sa magkabilang estribo. Naupo kami sa likod ng driver. Walang tao sa pagitan namin at nung mga nasa estribo (yes, apat lang kami). Tapos yung babae sa dulo, inabot niya yung bayad niya ng hindi gumagalaw sa upuan niya. Si ate, hindi pinansin yung babae. Katwiran niya sa ‘kin, “Uupo-upo sila sa dulo tapos tayo pa ang mage-effort na mag-abot ng bayad nila sa driver, ayoko nga. Wag mo ngang iabot.”

Mabait akong kapatid, kaya sumunod na lang ako. Napilitan tuloy yung babae sa may estribo na mag-slide sa upuan papalapit sa amin. Nu’ng halos half a foot away na siya mula sa ‘min, saka namin inabot ang bayad niya sa driver.

#2: Napanood ko yung MTV-esque commercial ni Noynoy Aquino. Kasama ang mga sikat na artista. Siyempre, kasama ang kapatid na si Kris. Hindi ko alam kung ano’ng gustong iparating ng commercial. Walang malinaw na plataporma. Sabagay, hindi pa naman campaign period. Paunang bugso lang siguro ito.

Ang sigurado ako, sa dami ng artistang willing gumastos para sa kanya, di siya mamromroblema sa budget pang ads.

No Comments

  • Mrs. Kolca November 3, 2009 at 2:47 pm

    mahilig den ako umupo sa pinakadulo pero effort den talaga ako sa pag-abot ng bayad huh 😀

    di ko pa napanood ang tvc ni noynoy at kris 🙁 CLICK HERE! and join the fun.. cheers!

    Reply

Leave a Reply