Gift basket

Noong bata pa ako, madalas nakakakita ako ng isang basket na puno ng kung anu-anong pagkain sa ilalim ng Christmas tree namin. Galing yun sa mga kliyente ng tatay ko nung nagtratrabaho pa siya. Aliw na aliw ako dun — para kasi siyang grocery items na maayos na pinagsama-sama sa isang malaking basket tapos may ribbon pa. At di lang basta karaniwang grocery items, may mga imported na pagkain: kahon ng Swiss Miss, lata ng Pik-Nik at Pringles, Spaghetti, Hunt’s Spaghetti Sauce, Eden Cheese, Taster’s Choice Coffee, etc.

Pag naglalaro kami ng ate ko ng kunwa-kunwaring raffle dati, yun ang gusto kong mapanalunan.

Sa unang pasko ko bilang empleyado, hindi man ako nakakuha ng gift basket nun, ang saya ko kasi bawat isa sa aming mahigit 100 na empleyado ay binigyan ng maliit na Christmas ham at maliit na keso de bola.

Sa mga sumunod na taon, wala akong bitbit na Christmas basket pag-uwi, pero ang napapanalunan ko sa raffle e tipong electric fan o rice cooker. Pwede na, napakinabangan ko naman.

Nakatanggap ako ng red wine noong 2007. Pinagsaluhan namin yun ng pamilya ko noong Media Noche.

Nung nakaraang taon… ah well, Php300 gift voucher sa Landmark at isang mug na naka-engrave yung pangalan ng kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. Ang layo kung ikukumpara sa mga taong nakita ko noong naglalakad sa Ayala na may gift basket.

Alam n’yo bang may Php300 na gift basket sa grocery?

Tapos nung nakaraang araw, nakita namin ng asawa ko ang maraming Christmas basket sa ibabaw ng shelves ng supermarket sa Landmark. Di pa nagkasya, umabot hanggang sa may food court area.

At alam ko ni isa dun ay wala akong makukuha.

Gusto ko ng gift basket.

Ang babaw, no? Pero naiinggit ako sa mga taong nakikita kong may bitbit na ganun pauwi. Ewan ko, maliban sa Christmas tree, parol at belen, isa ang gift basket sa sumisimbolo ng Pasko para sa akin.

Gusto ko ng gift basket.

Fat chance of me getting one this Christmas.

No Comments

  • realmofadreamer December 16, 2009 at 3:50 pm

    bakit naman wala kang makukuha sis? Ako din gusto ko ng gift basket!! šŸ˜€

    Reply
    • moonchild117 December 17, 2009 at 10:14 am

      may nagsabi kasi na yung may-ari daw ng company e hindi naniniwala sa Christmas basket. šŸ˜›

      funny thing, mga 5 or 6 hours after posting, nag-distribute sila ng pear-shaped ham. hehehe!

      Reply
  • Gino December 17, 2009 at 8:33 am

    nice piece ma’am. šŸ™‚

    Reply
  • Laura baker April 15, 2010 at 1:23 pm

    Hi I just wanted to leave a comment to say that I enjoy your blog. Looking at the number of comments, I see others feel the same way! Congratulations on a very popular site.

    thank you.

    Reply
  • Gift basket (not a Part 2) « Hits and Mrs. September 24, 2010 at 2:46 pm

    […] Yuletide Season’s approaching. But no, this post has no relation to my previous rant about gift baskets. […]

    Reply

Leave a Reply