Para sa isang kaibigan

Kamusta na dyan? Matagal na panahon na ang nakalipas mula ng huli ka naming nakita. Hanggang pictures na lang. Pero di ka naman namin nakakalimutan. Maliban sa laging pinapaalala ng email ko ang birthday mo taun-taon, masyadong maraming bagay ang nagpapaalala sa iyo. As usual, andyan yung mga Bahasa labels ng mga shampoo at pagkain, mga lumang anime, mga J-rock, basta ata Hapon e.

Hanggang ngayon naaalala ko pa ang nilalaman ng “research paper” mo tungkol sa Camp Big Falcon.

Sigurado akong masaya ka dyan sa kinaroroonan mo. Oks naman kami dito, Bastards pa rin. Forever na siguro. Haha!

O sige na, maghapi-hapi ka na muna dyan. Ikamusta mo kami kay Bro. (Yun ang name Niya dito sa ‘Pinas. Pauso ni Santino. Ah basta…)

And thank you for leaving an indelible mark in our lives.

Happy birthday, Almanz.

No Comments

Leave a Reply